Haircut 2012
Magpapagupit na ako bukas. Nakakatuwa. Nakakaexcite. Nakakatakot. Nakakatuwa isang taon na nakalipas nung huli ako nagpagupit. New look na ulit bago magsimula yung school year. Sana lang kung ano man maging desisyon kong gupit, bumagay at hindi ako magsisi. Sana lang magaling din yung maggupit sakin sa Tony and Jackie sa SM Fairview. Sana masulit yung ibabayad na mahigit isang libo din aabutin. Gaaad. Patay ako sa tatay ko.
Sa ngayon, hindi pa talaga ako decided sa gusto kong gupit. Namimili pa. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga gusto ko. Ang haba na ng buhok ko. Malapit nang umabot sa bewang. Nung una, gusto ko talagang magpaikli ng buhok kase mainit. Saka medyo sawa na ako sa mahabang buhok. Kaso naisip ko.. sayang ang buhok. Baka magtampo dahil mahaba na nga tapos bigla kong papagupitan ng ganun kaikli. Baka pumanget ang buhok. Sayang ang rebond. CHARAUGHT. Gusto ko ganito sana..

Kaya naisip ko na pabawasan ng nalang yung haba. Mahaba paren pero medyo maikli. Katamtaman. Gusto ko sana yung buhok ni Christina Grimmie.. kaso hindi ko naman sigurado kung babagay sya sakin. Wuuu.

Hindi ko sya kilala, pero gusto ko yung buhok netong Koreana na ‘to. Medyo hawig din sa buhok ni Christina..
Isa rin sa pinagpipilian ko, yung buhok ni Ate Keizia (haponita). Ang ganda eh.

Kung ano man mapili kong gupit, sana hindi ko pagsisihan. Sayang talaga buhok eh. LOL. At sayang din ang ibabayad ko kung hindi ko naman magugustuhan yung gupit. Medyo malaking halaga din eh.