INTRODUCE YOURSELF!!

Malapit na ang pasukan! Nakapagpractice na ba kayo ng introduction ninyo? “Hi, my name is *insert your name here. I live at *insert your address here*.” Mas maganda kung lalagyan mo ng nanginginig effect para kunyare kinakabahan tapos medyo mahiyain ang magiging first impression sayo ng mga bago mong kaklase.

Yaman rin lang at pangalan ang pinag-uusapan, alam n’yo bang may mag-asawa sa Jerusalem na nagpangalan sa kanilang anak na “Like”. Obvious bang galing sa facebook yun? Hindi naman masyado. Pero kahit na ganyan ang pangalan nung baby, cute di ba? Maganda nga yung “weird” ang pangalan eh. Madali kang matatandaan. Yun nga lang, baka matandaan ka dahil sa mga panunuksong nakukuha mo.

May iba pa ngang mas magulo pa ang pangalan kesa sa mga gulo sa ibang bansa. Tulad nalang ng Brfxxccxxmnpcccclllmmnprxvclmnckssqlbb11116. Pronounced as ‘Albin’. Ganyan ang ipinangalanan sa kanya ng magulang n’ya dahil nagpoprotesta sila sa naming law ng Sweden. Sa China naman, may unidentified couple ang nagpangalan sa anak nila ng “@” pronounced as “ai ta” or “love him”. Meron din namang may ipinaglalaban tulad nalang ni KentuckyFriedCruelty.com na isang youth outreach worker ng PETA. Si GoldenPalaceDotCom Silverman naman, ipinangalan sa Internet casino na GoldenPalace.com dahil binayaran ang parents ng $15,000. Para magpapansin sa madlang pipol. Our very own, Joker Arroyo. Ipinangalan s’ya ng daddy n’ya sa.. hindi ba halatang sa cards? Tapos si Dick Assman naman na may-ari ng gas station sa Canda. Ayos pangalan di ba? Pero may tatalo pa ba sa favorite kong si Captain Fantastic Faster Than Superman Spiderman Batman Wolverine Hulk And The Flash Combined? Bakit ganun ang pangalan n’ya? Wala lang. Trip n’ya lang palitan.

Pero kung gusto mo talagang sa Facebook kunin ang pangalan ng anak mo? May iba pa namang choices bukod sa Like. Pwede namang..

Wall. Matatag, matikas, masasandalan, masasabihan ng mga nilalaman ng isip mo. “Hi, I’m wall. Pwede mo akong sandalan sa oras ng iyong pangangailangan.”

Share. Maganda di ba? Mapagbigay, mabait. Wag lang sana maging madamot na bata. “Ako nga pala si Share. Gusto mo ng biskwit?”

Friends. Oh di ba? Malalapitan. Friendly na friendly ang dating. Kaso ang pangit kapag naging anti-social ang anak mo. “Ako nga pala si Friend. Can we be friends?”

Poke. Cute no? Simple lang. “Uy, welcome! Ako nga pala si Poke. Please, come in.” Sandali. Parang ang pangit yata? “Hi, I’m POKE. Please, COME IN.” Wala. Di talaga ata maganda kung sa Pilipinas.