- Anim na letrang mahirap makuha pero madaling mawala.
Sa panahon ngayon, napakahirap nang magbigay ng buong pagtitiwala sa isang tao dahil hindi mo alam kung mapagkakatiwalaan talaga s’ya. Kahit gaano mo kagustong ibigay yung magtitiwala mo.. parang may pumipigil sa’yo dahil sa pagdududa mo sa kanya.
Minsan, kahit yung mga taong ilang taon mo nang nakakasama at nakakasalamuha.. napakahirap paring pagkatiwalaan. Siguro dahil alam mo yung mga ugali nilang medyo tagilid, mukha talaga silang hindi mapagkakatiwalaan, o may nagawa silang nakapagpawala ng pagtitiwala mo sa kanila. Napakasakit kapag ibinigay mo yung buong pagtitiwala mo tapos biglang..BOOM!sinira n’ya lang, sinayang lang n’ya.
Nakakatuwa kapag may taong nagtitiwala sa’yo. Yung may mga bagay na sa’yo n’ya lang nasasabi. Masaya. Napakaimportante na pahalagahan mo yung tiwalang ibinigay sa’yo ng isang tao. Dapat mong siguraduhin na mapapanatili mo yung pagtitiwala na yun dahil napakahirap nang maibalik yun kapag nasira mo na.
Lalo na ang pagtitiwala ng magulang mo.